Archive for the 'suki cards' Category
ang Love Your Body card ng The Body Shop
Hindi ako makapaniwala! Sa loob ng mahigit walong taon kong pagtangkilik ng White Musk perfume ng The Body Shop ay nagakaroon din sila ng sarili nilang membership card – ang “Love Your Body” card. Dati, yung GenText ng Globe ang gamit ko para lang maka-discount doon tuwing bibili ako ng White Musk, sabay tanong, “Excuse me, do you still honor GenText here?” Pero saglit lang yun. Di na tinatanggap ng The Body Shop ang GenText, kaya talagang sinisimot ko yung pabango ko bago bumili - mahal kasi pag hindi discounted.
Kaa-apply ko lang nung December 24 sa Love Your Body Club. Isinabay ko yung Love Your Body Club membership sa pagbili ko ng isang set ng White Musk products (wag mo ng itanong kung magkano). Halos isang linggo na rin kasi akong walang pabango. Nagbabakasakali kasi ako na may magreregalo ng White Musk perfume… eh mukhang malabo, kaya niregaluhan ko na lang yung sarili ko. Hehehe.
Para sa inyong dagdag kaalaman, ang Love Your Body card o LYB Card ay higit pa sa loyalty card. Kung ikaw ay nagpamiyembro, sa halagang PHP 300, makakakuha ka ng (galing ang mga sumusunod sa papel na may listahan ng perks ng LYB Card):
- special welcome gift (Nakakuha ako ng Mint Lip Care Stick na sabi ng sales lady ay worth PHP 295, so parang PHP 5 lang ang ibinayad ko para sa LYB Card. Ayos!)
- exclusive Love Your Body card that can let you earn points every purchase (PHP 100 = 1 point). Accumulate your points and use it to purchase products at any The Body Shop outlets nationwide. (Except Duty Free stores daw. Bakit kaya?)
- rewards program where you get to accumulate vouchers with your purchase
- special and exclusive promotions for members only (Siyempre, hindi ito pwedeng mawala.)
- birthday privilege of a one-time 20% discount on regular items on your birthday month (excited na akong mag-October!)
- (as useless) exclusive updates and special reviews of new products and events
Hindi ko ina-advice na mag-avail ng LYB card ang mga taong hindi naman talaga tumatangkilik ng The Body Shop, lalo na kung wala kayong tiyagang magbitbit ng wallet o lalagyan ng mga discount cards na pwede n’yong hugutin ng mabilisan. Pero kung adik ka talagang mangolekta ng discount o suki cards, sige lang. Go! Walang pumipigil sayo. ^_^
3 comments